菜單

Hun 6, 2020

Kapag ang Sakuna ay Naganap, Saan ang Ating Kanlungan?



Sa mga nakaraang taon, ang mga sakuna sa palibot ng mundo, tulad ng mga lindol, pagbaha, sunog, salot, bagyo at iba pa, ay mas dumadalas at tumitindi, at ito ay nagiging mas malawak ang nasasakop. Kaya’t ang buhay at pag-aari ng mga tao ay nakabingit sa kapahamakan anumang oras. Kahit na tayo ay nasa panahon na ng advance na agham at teknolohiya, atin lahat lubhang nararanasan na ang anumang bagay sa materyal na mundo, tulad ng pera, katanyagan at kayamanan, ay walang kwenta sa harapan ng mga sakuna. At nararamdaman natin ang ating kawalang-halaga at ang pagkasira ng buhay. Kapag nararamdaman natin ang takot, nais nating maghanap ng tunay na kanlungan, ngunit saan natin ito mahahanap? Ang programang ito ay isinaalang-alang ang ilang tunay na karanasan ng mga Kristiyano kung paano sila nakaligtas sa sakuna. Hanapin natin ang sagot mula sa kanilang mga karanasan.

__________________________________________

Tagalog Gospel Reflections section features a variety of topics such as how to welcome the Lord, how to be wise virgins, how to be raptured into the heavenly kingdom, and how to know Christ. Click to learn more.

Hun 5, 2020

Ang Kahalagahan ng mga Salita ng Diyos



Nananalig sa Diyos dapat magpakabuti.

Ang mahalaga'y mapasa'yo Kanyang salita.

Kahit ano pa man,

sa salita Niya'y 'wag tatalikod.

Makilala't malugod ang Diyos sa Kanyang salita.

Mga denominasyon, sektor at bansa

sa hinaharap lulupigin sa salita.

Hun 4, 2020

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos



I

Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Hun 3, 2020

Kristiyanong Sermon: Ang Kahulugan ng Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay

Ni Cheng Hang

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

Hun 2, 2020

Isang Diskusyon sa Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

Ni Liu Shuo

Pansin ng Patnugot: : Sabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Makikita na yaon lamang mga tunay na nagsisisi ang makakapasok sa kaharian ng langit. Maraming kapatid ang nag-iisip nang matagal kapag nagdarasal sila sa Panginoon at umaamin sa kanilang mga kasalanan, umiiyak nang husto, iyan ang tunay na pagsisisi. Gayunman, nagdududa ang ilan: “Kahit maaari tayong magdasal sa Panginoon at mangumpisal, madalas pa rin tayong nagkakasala at lumalaban sa Kanya. Ito ba ang tunay na pagsisisi? Talaga bang madadala tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon?” Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Tingnan natin kung paano naghahanap ng mga sagot ang mga magkakatrabahong ito sa isang pulong sa pag-aaral ng Biblia.

Hun 1, 2020

Alamin na ang Pagkastigo't Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig


I

Ang paghatol at pagkastigo ay sinadya

upang parusahan ang mga kasalanan ng tao.

Wala sa gawaing ito ang pagsumpa

o pagpatay sa laman ng tao.

Ang malupit na pagsisiwalat ng salita'y

para sa'yo upang makahanap ng tamang landas.

Personal mong nadama ang gawain ng Diyos.

'Di ka nito inaakay sa masasamang landas.

Whoah ... Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.

Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,

tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …

Alamin ang kahulugan ng paghatol

at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.

Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.

May 31, 2020

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Katulad ng daan-daang milyong ibang mga sumusunod sa Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at tayo rin madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa mga aral ng Panginoon. Hindi na kailangang sabihin, kung gayon, na tayo rin sa ating mga sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhati Niyang pagbaba, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat na gaya ng inihula sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumarating, at may dalang sakuna, ginagantimpalaan Niya ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama, kinukuha ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tinatanggap ang Kanyang pagbalik upang Siya ay salubungin sa himpapawid. Tuwing ito’y ating naiisip, hindi natin mapipigilang manaig ang ating damdamin at mapuno ng pagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakakaranas ng pag-uusig, nakukuha naman natin bilang kapalit ang “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Kay laking pagpapala! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay nagpapanatili sa atin sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang masigasig.