菜單

May 27, 2020

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha akong hindi nasisiyahan—ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Kamakailan lamang, ang kapatid na babaeng nakikipag-ugnayan sa akin ay nagkaroon ng hyperthyroidism. Unti-unti, ang kanyang kondisyon ay dumating sa punto na dapat siyang kumain ng anim na beses sa isang araw. Dahil sa tensyon ng karamdaman, ang kanyang lakas ay unti-unting nabawasan, at nabubuhay siya araw-araw sa kalungkutan, kahinaan at pagkapagod. Ang kanyang katawan ay talagang hindi makaagapay sa kanyang pagnanais na tuparin ang kanyang mga tungkulin at ang kanyang sakit ay palala nang palala. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari: “Ang kapatid na babaeng ito ay iniwan ang kanyang pamilya at mataas na suweldong trabaho na may mga magagandang benepisyo upang ituon ang kanyang sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin at siya ay napakatapat. Paano kayang, sa lahat ng ibinigay niya, ipapapasan sa kaniya ang paghihirap ng karamdamang ito bilang kapalit? ...” Hindi ko ibinubunyag ang aking mga damdamin sa labas, ngunit ang aking puso ay naguguluhan—kailanma’t ipaalala ng sinuman ang isyung ito ay nawawala ang aking hinahon.

Hindi nagtagal, ako at ang aking kapatid na babae ay naghiwalay ng landas, ngunit hindi ko kailanman nalimutan ang tungkol sa kanya. Isang araw, tinanong ko ang aking lider sa kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid na babae. Sinabi ng lider: “Sa una ay nagkaroon siya ng isang napaka-negatibong kondisyon at tumanggi na kilalanin ang gawain ng Diyos. Nang maglaon, sadya niyang iniayos ang kanyang kalagayan, na hinahanap ang layunin ng Diyos sa gitna ng paghihirap ng kanyang karamdaman. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nasimulan niyang makilala ang kanyang sarili at napagtanto na wala siyang tunay na paniniwala. Sa kanyang paniniwala ay mayroon pa ring elemento ng ‘kapalit,’ ang pagnanais pa rin na magtamo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa Diyos. Nakilala rin niya ang maraming iba pang mga elemento ng paghihimagsik sa loob ng kanyang sarili. Sa sandaling napagtanto niya ang mga bagay na ito tungkol sa kanyang sarili, malaki ang ibinuti ng kanyang kalusugan. Gumagaling siya araw-araw, bumalik siya sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw at mas maayos ang kanyang kondisyon. Nakatulong din siya sa mga kapatid ng kanyang tagakupkop na pamilya na ayusin ang kanilang mga kondisyon….” Nang marinig ko ang magandang balitang ito, ako ay talagang nagulat. Inakala ko na ang paghihirap ng sakit ay magpapahina sa determinasyon ng aking kapatid na babae at magdudulot sa kanya ng matinding pagdurusa. Binagbag ng pagkakasakit, naniniwala ako na ang kanyang presensya sa daan pahinaharap ay magiging padilim nang padilim. Inakala ko pa na baka hindi siya makapagpatuloy. Ngayon, nahaharap sa katotohanan ng kanyang sitwasyon, ako ay naiwan na nakatayong tulala. Hindi lamang hindi siya nawalan ng pananampalataya, ngunit, sa pamamagitan ng pagdalisay ng kanyang karamdaman, talagang naunawaan ang gawain ng Diyos at nakilala ang kanyang katiwalian. Natuto siya mula sa kanyang karanasan at gumawa ng mga paghuhusay sa kanyang buhay. Ang sakit ba na ito ay hindi pagpapakita ng tunay na pag-ibig ng Diyos at tunay na kaligtasan ng tao?

Nang maglaon, nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa isang sermon: “Ika-lima, sinasabi ng Diyos: ‘Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?’ Ang pangangailangan na ito ay hindi maliit na pagsubok para sa sangkatauhan. … Anong pundasyon ang itinatatag ng katapatan ng isang tao at pagmamahal sa Diyos? Paano ito mapapatunayan na ang isang tao ay may tunay na katapatan sa Diyos? Paano ito maipapamalas na ang isang tao ay tunay na nagtataglay ng pagmamahal sa Diyos? Kailangan itong mapatunayan sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga pagpipino. … Kapag naharap ka sa ganitong uri ng pagsubok, ang unang layunin ng Diyos ay ilantad ka upang makita kung ang iyong katapatan at pagmamahal ay talagang tunay o hindi. Ang ikalawa Niyang layunin ay dalisayin ka. dahil mayroong mga karumihan sa iyong katapatan at pagmamahal. Kung batid mo ang mga karumihang ito, na nabubunyag kapag naharap ka sa sari-saring mga pagsubok, kung gayon malilinis ka ng mga ito. Kung ang mga tao ay nagtataglay ng tunay na katapatan at totoong pagmamahal sa Diyos, sa gayon anuman ang sumasapit sa kanila at anumang mga uri ng mga pagsubok ang kanilang kinakaharap, hindi sila mahuhulog, ngunit sa halip ay magpapatuloy na maging tapat at nagmamahal sa Diyos nang walang pag-aatubili. Para sa yaong ang katapatan at pagmamahal ay naglalaman ng mga karumihan at pagnanais na makakuha ng isang bagay na kapalit, hindi magiging madali ang manindigan kapag dumarating sa kanila ang mga pagsubok, at malamang na babagsak sila. Ang gayong mga tao ay madaling mabunyag, hindi ba?” (“Tanging sa Pamamagitan ng Pagbibigay-kasiyahan sa Panghuling Kinakailangan ng Diyos na Maliligtas ang Isang Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Pagkatapos lamang mabasa ang siping ito ng pagbabahagi ko napagtanto na palagi kong hinuhusgahan ang gawain ng Diyos sa mga tuntunin ng aking makalamang pag-iisip. Mali ang aking paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay binubuo ng mga masasaganang kaloob ng biyaya at katiyakan ng makalaman na kaligayahan at kapayapaan. Hindi ko naisip na ang paghihirap ay isang uri ng pagpapala ng Diyos. Pagkatapos lamang matutunan ang karanasan ng aking kapatid na babae, aking naunawaan na ang pagpipino ng pagdurusa ay isang tunay na pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng ilang mga sitwasyon at nagdudulot ng mga kasawian sa Kanyang mga tao—maging ito ay sa pamamagitan ng pisikal na karamdaman, kahirapan sa pananalapi, o anumang iba pang mga kahirapan—hindi dahil sa masamang kalooban kundi sa Kanyang mapagmahal na kabaitan. Upang matugunan ang katiwalian at kakulangan ng tao, lumilikha ang Diyos ng lahat ng mga uri ng mga sitwasyon upang subukin at pinuhin siya. Kumikilos siya sa pamamagitan ng pagdurusang ito upang dalisayin, baguhin at bigyan ng buhay ang tao. Bagaman ang laman ng tao ay dapat sumailalim sa hindi kapani-paniwalang paghihirap sa proseso ng pagpipino, na makikita bilang kasawian o masasamang bagay, ito ay nagbubunyag ng maraming karumihan, maling mga layon at mga pananaw, maluhong pagnanasa, at hindi tamang mga layunin ng paghahangad na mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos upang maaari niyang makilala ang kanyang sarili, at maaaring magkaroon ng pahigit na pahigit na normal na relasyon sa Kanya upang unti-unti niyang linangin ang pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso. Ang ganitong mga pakinabang ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng isang buhay ng paglilibang. Kapag tumitimo sa tao ang mga aral na nakuha mula sa paghihirap ng kanyang mga pagsubok at nagninilay pabalik sa daan na kanyang napili, sa wakas ay nauunawaan niya na ang mga paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagpalo at pagdisiplina ay ginawa lahat ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang mapagkandili at mahabagin. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga materyal na pakinabang, kundi pati sa masalimuot na pagpipino, pagpalo at pagdisiplina.

Mahal na Diyos, salamat sa paggawa sa pamamagitan ng lahat ng aspeto ng aking kapaligiran upang iwasto ang aking tiwali at naligaw na paraan ng pag-iisip at pahintulutan akong makita na kahit na ang Iyong pagmamahal ay hindi kaayon sa aming mga diwa, ang pagpapahayag nito ay laging naglalayong paghusayin at iligtas kami. Ang iyong mga kilos ng pag-ibig ay palaging puno ng masigasig na paggawa ng Iyong puso at di-mailarawang karunungan. Naunawaan ko rin na dati ay hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pag-unawa sa Iyo at hindi naiintindihan na ang Iyong pag-ibig ay madalas na nakatago sa loob ng mga sitwasyon. Mahal na Diyos, sa karangalan ng pagmamahal na ibinabahagi mo sa sangkatauhan, nag-aalay ako sa iyo ng papuri at pasasalamat! Umaasa din ako na isang araw ay tatanggap din ako ng ganitong uri ng pagmamahal. Kung ang pagmamahal na ito ay ilaan sa akin, nangangako ako na tatanggapin ang anumang antas ng pagdurusa, upang maranasan ko ang at magpatotoo sa Iyong pagmamahal.

————————————————————————
Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay nangangahulugang hindi lamang pagbibigay ng mga pagpapala sa tao, higit sa lahat ay nangangahulugang pagiging laman, nakatira sa gitna ng tao, at pagpapahayag ng katotohanan upang mailigtas ang tao. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi makasarili.

May 25, 2020

Umiiral ba ang Trinidad?

Pagkatapos mangyari ang katotohanan na si Jesus ay nagkatawang-tao, pinaniwalaan ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, kundi ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ganito ang mga pagkaunawa ng buong sangkatauhan: Ang Diyos ay iisang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong bahagi, na ipinalalagay ng lahat ng taong hindi matinag sa karaniwang mga pagkaunawa na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang tatlong bahaging iyon lamang na pinag-isa ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Tulad nito, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga pagkaunawa, naniniwala sila na hindi maituturing na Diyos ang Ama lamang o ang Anak lamang. Ang magkakasama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maituturing na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng relihiyosong mananampalataya, kasama ang bawat isang alagad sa gitna ninyo, ay nakahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, hinggil sa kung ang paniniwalang ito ay tama, walang sinumang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong naguguluhan sa mga bagay na patungkol sa Diyos Mismo. Bagama’t ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubha nang nahawahan ng mga relihiyosong paniwala. Napakalalim na ng pagtanggap ninyo sa ganitong karaniwang mga paniwala ng relihiyon, at nakapasok na nang husto ang lasong ito sa inyong kalooban. Samakatuwid, sa bagay na ito ay bumigay na rin kayo sa mapaminsalang impluwensiyang ito, sapagkat wala naman talagang Trinidad. Ibig sabihin, walang Trinidad na Ama, Anak, at Banal na Espiritu.

May 24, 2020

Ano ang Pagdadala sa Harap ng Diyos?


Ni Li Huan

Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon. Gayunpaman, pagkalipas ng napakaraming taon, ang apat na pulang buwan ay nagpakita na; ang mga lindol, mga taggutom, mga salot at digmaan at ang lahat ng uri ng iba pang mga sakuna ay naging lalong mas matitindi. Ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay talagang natupad na. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakita ni isang Kristiyano na umakyat sa langit. Kaya napapaisip ako, “Bakit hindi dumarating ang Panginoon upang tanggapin tayo? Ang Panginoon ay tapat. Ipinangako ng Panginoon na dadalhin Niya tayo sa panlangit na kaharian sa mga huling araw. Ang pangako ng Panginoon ay tiyak na magaganap at matutupad. Hindi ko talaga ito pinagdududahan. gayunman, paanong hanggang sa ngayon, hindi pa tayo iniaakyat sa langit ng Panginoon? Maaari kayang mayroong ilang suliranin sa ating pananabik?”

May 23, 2020

Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" | Ang Pagtawag ng Pag-ibig ng Diyos



I

Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan

di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.

Walang suporta at tulong,

ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,

sinusuong ang lahat,

inilalantad walang dangal na buhay sa mundo

sa katawang kaluluwa ay walang malay.

Buhay nang walang pag-asa't layunin.

Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,

ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat

na magliligtas sa nagdurusa

at naghahangad ng Kanyang pagdating.

Sa taong walang-malay,

paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.

Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

May 22, 2020

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos.Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos.

May 21, 2020

Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Sagot: “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Mali ang pahayag na ‘yan! Maililigtas ba ng Biblia ang mga tao? Mapapalitan ba ng Biblia ang Diyos? Mapapalitan ba ng Biblia’ng gawain ng Espiritu Santo? Makakatawan ba nito ang Diyos at magagawa ang paghatol Niya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Biblia? Nauna ba ang Diyos, o nauna ang Biblia? Wala pang Biblia nung panahon ni Abraham, kaya masasabi niyo bang hindi nanalig si Abraham sa Diyos? Wala pang Biblia nang pamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, kaya masasabi niyo ba na hindi nanalig si Moises sa Diyos? Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos, at ang Biblia ay hindi ang Diyos. Ang Biblia ay talaan lang ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, mga patotoo lang tungkol sa Diyos. Di mapapalitan ng Biblia ang gawai’t pahayag ng Diyos sa mga huling araw, at ‘di rin nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya ‘di tulad ng paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos. Kapag itinuring ng mga tao na Diyos ang Biblia, malubhang pagkalaban at paglapastangan ‘yan sa Diyos! Ang Biblia ay isang patotoo lang sa gawain ng Diyos. ‘Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos sa pagbibigay ng buhay, at ‘di nito mapapalitan ang gawain ng Espiritu Santo.

May 20, 2020

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.