菜單

May 14, 2020

Anong Uri ng Iglesia ang Maituturing na may Gawain ng Banal na Espiritu

Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,

Ilang buwan na ang nakararaan, nasaksihan ko ang pagpapaligsahan sa isa’t isa ng mga pastor sa aming iglesia para sa katanyagan at pagtamo at pandaraya para sa posisyon. Sa kalabisan ay inatake at siniraan pa nila ang isa’t isa sa mga sermon. Hindi nakakaaliw pakinggan ang mga sermon nila, at walang sustansiyang nakukuha ang aming mga espiritu. Idagdag pa doon, laganap ang paglamig ng pananampatalaya ng mga kapatid. Hinahanap nila ang kayamanan, nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman at sumusunod sila sa mga makamundong kalakaran, inilalaan ang buong atensiyon nila sa pagkain, pag-inom at pagsasaya. Mas madalas na basta na lamang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang mga kapatid, ngunit sa halip ay pumupunta lang kapag may nangyaring sakuna sa kanilang mga buhay o kapag mayroong importanteng pista … Naharap sa ganitong sitwasyon sa iglesia namin, umalis ako upang humanap ng iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, naghanap ako sa maraming lugar at natuklasan na karamihan sa mga iglesia ay katulad lang ng sa’min, at nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa. Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap ako ng iglesia na madalas magtanghal at nagdaraos ng mga pagdiriwang, at mayroon pa silang mga pastor na mula sa ibang mga bansa upang magbigay ng sermon. Napakainit at masigla ang kapaligiran sa iglesiang ito, at maraming tao ang dumadalo sa bawat pagtitipon. Habang tinitingnan ang iglesiang ito na napakasigla at sa mga kapatid na masigasig na dumalo sa mga pagtitipon, naisip ko na marahil ay mayroong paggawa ng Banal na Espiritu ang iglesia na ito. Gayunman, hindi nagtagal ay nadiskubre ko na kahit na tila masigla ang iglesia, ang mga sermon na ipinapangaral ng mga pastor ay hindi nakakapagbigay ng pakinabang sa buhay ng mga kapatid at hindi nagagawang paluguran ang aming mga espiritu. Ang patuloy na pag-awit at pagsayaw ay nagagawa lamang baguhin ang kapaligiran ng iglesia—habang nagaganap iyon, lahat kami ay napakasigla, ngunit kapag umupo na kami upang makinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor, mag-uumpisa kaming antukin. Idagdag pa, palaging nagpapaligsahan ang mga kapatid sa mga donasyon at panalangin. Kung sino man ang magdonate ng marami ay itinuturing na isang taong mahal ang Panginoon, at kung sinuman ang nananalangin nang matagal at nagsasabi ng magagandang salita sa kanilang mga panalangin ay itinuturing na espirituwal na tao…. Sa ganitong uri ng iglesia, ang mga kapatid ay hindi lamang basta walang katapatan o kababaang loob ngunit bagkus ay lalo lamang tumitindi ang kanilang kahambugan at lalo silang nagiging ipokrito. Nakatuon sila sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili at pagpapasikat sa harap ng iba at labis-labis ang pagiging mapagmagaling at arogante. Sa tuwing may nangyayaring isyu sa kanila, basta na lamang nila iyong hinaharap sa kung paanong paraan nila gusto, at hindi sila nakikinig kahit kanino pa—hindi nila sinusunod ang mga turo ng Panginoon. Nahaharap sa ganitong uri ng sitwasyon sa iglesia, hindi ko mapigilang isipin: Mayroon kayang gawain ng Banal na Espiritu ang isang iglesia na sa labas ay mukhang marubdob? Palagi na akong nalilito sa tanong na ito, kaya nais ko sanang humingi ng sagot sa inyo.

May 13, 2020

Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?



Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?
Sagot:

Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos. Tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28).

May 12, 2020

Paano Babalik ang Panginoon?

Ang Aklat ng Pahayag 16:15 ay nagsabi: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Sabi sa Pahayag 3:3: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.” At naroon din ang Ebanghelyo ng Mateo, kapitulo 24, talata 44 na nagsasabing: “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Ilang halimbawa lamang ang mga ito. Ang mga salitang “gaya ng magnanakaw” at “sa oras na hindi ninyo iniisip” na nakasulat sa mga siping ito ay katunayang nagsasabi na, kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay lihim na bababa, at tahimik na darating. Tiyak na tumutukoy ang “Anak ng tao” sa isang isinilang na tao at laman na nagtataglay ng normal na pagkatao. Tiyak na hindi maaaring tawaging Anak ng tao ang Espiritu; tanging ang laman lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tawaging Anak ng tao na, tulad ng Panginoong Jesus, ay isinilang sa laman ng tao, kapwa nahahawakan at nakikita. Mula sa mga propesiyang ito, magagawa nating matiyak sagayon, na bumalik ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lihim na pagbaba tulad ng pagkatawang-tao ng Anak ng tao, upang isagawa ang Kanyang mga gawain at magpakita sa sangkatauhan.

May 11, 2020

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita




Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw

winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya

at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,

mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa

sa Diyos mula sa puso ng tao.

Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.

Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,

ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,

at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.

Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao

na palaging ganito ang Diyos.

May 10, 2020

Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos Nang Ako’y Umasa sa Kanya



Ni Fudan, Africa

Galing ako sa Africa at ako ay ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko. Ngayon, nagtatrabaho ako bilang isang inhinyero sa isang planta ng semento. Sa paghahanap ng katotohanan sa loob ng maraming taon, isang araw nagkaroon ako ng pribilehiyo na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Simula noon, namuhay ako ng may kaligayahan. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos araw-araw, at laging may mga pakikipag-pulong sa mga kapatid pati na rin na ginagampanan ang aking mga tungkulin sa iglesia. Pakiramdam ko ay lubos akong nabigyan ng sustansya sa aking espiritu at nakakakuha ng marami mula sa lahat ng ito. Ang pinasasalamatan ko lalo sa Diyos ay tinulungan ako ng Diyos na makakuha ng kaalaman sa Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng praktikal na karanasan sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin.

May 9, 2020

Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos



Ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon
at yugto ng gawain ay may halaga.
Sumasagisag ito ng isang kapanahunan.
I
Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Tanging mga pangalan ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan.
Kaya sa pagdating ng huling kapanahunan,
muling magbabago ang Kanyang pangalan.
Di na Siya tatawaging Jehova, Jesus o Mesias.
at sa pangalang ito ay tatapusin Niya ang kapanahunan.

May 8, 2020

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?



Ni Hanxiao


Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay

Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

Ang Kahulugan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus at Pagpapakita Niya sa Tao

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”). “Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi na mahalaga kung ito pa ang panahong nasa katawang-tao Siya, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa katayuan ng bawat isang tao, nauunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa katawang-tao. Nalalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatitiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa katawang-tao hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumusunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan. Masasabi mo ba na ang pagpapakita ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay muli ay nagkaroon ng anumang kahalagahan? … Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
_____________________________________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus?

_____________________________________________________

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na mayroong malalim na kahulugan ang maraming beses na pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo matapos Niyang magbalik mula sa kamatayan, at ang maingat na pangangalaga at kaisipan ng Diyos ay nakatago din sa likod nito! Alam ni Hesus na, bagaman ang mga sumunod sa Kanya noong panahong iyon ay nakinig sa marami sa Kanyang mga turo at nakakita ng maraming himala na isinagawa ng Panginoon, at sinasabi nila na si Hesus ang kanilang Panginoon at na Siya ay Anak ng Diyos, gayunpaman wala silang tunay na pang-unawa sa katotohanan na si Hesus ay si Kristo at Siya ay Diyos mismo. Nang hulihin si Hesus ng mga awtoridad ng Roma at pinabulaanan at kinutya ng mga sundalo, marami sa Kanyang mga tagasunod ang nag-umpisang magduda sa Kanyang pagkakakilanlan, at ang kanilang pananampalataya sa Panginoon ay humina ng humina. Lalo na nang mamatay ang Panginoong Hesus matapos maipako sa krus, maraming tao ang labis na nabigo sa Kanya, at ang nag-umpisa bilang pagdududa ay naging pagtatwa sa Panginoong Hesus. Laban sa konteksto na ito, kung ang Panginoong Hesus ay hindi nagpakita sa tao pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, marami sa mga sumunod sa Kanya ay hindi na maniniwala kay Hesukristo at tatalikuran nila ang Kapanahunan ng Kautusan at magpapatuloy sa pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Pinag-aralang mabuti ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao at naintindihan ang kanilang mga kahinaan, gayunpaman, at alam Niya na mababa ang tayog ng mga tao. Kaya naman bumalik mula sa kamatayan ang Panginoong Hesus at maraming ulit na nagpakita sa Kanyang mga disipulo; kinausap Niya ang Kanyang mga disipulo, ipinakita Niya sa mga ito ang Kanyang espirituwal na katawan matapos mabuhay muli, at kumain Siya kasama nila at ipinaliwanag ang mga Kasulatan sa kanila. Ang layunin Niya sa paggawa ng lahat ng ito ay upang hayaan ang mga sumusunod sa Kanya na masiguro sa kaibuturan ng kanilang mga puso na tunay ngang nagbalik mula sa kamatayan ang Panginoong Hesus, na Siya pa rin ay ang Hesus na nagmahal at nagbigay ng awa sa mga tao, at na Siya ang Mesiyas na hinulaan sa Biblia na dumating upang tubusin ang sangkatauhan. Hindi na sila nagduda o itinatwa ang Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay taos-puso na pinaniwalaan nila Siya at kinilala si Hesukristo bilang kanilang Panginoon. Mula dito ay makikita natin na, sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli at pagpapakita sa tao, pinagtibay ni Hesus ang pananampalataya ng mga tao upang maniwala at sumunod sa Panginoon, dahilan upang mapalapit ang tao sa Diyos. Ito ay isang aspeto sa kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Maliban dito, nagpakita at gumawa si Hesus sa katawang-tao, lubusan Niyang tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, at inumpisahan niya ang Kapanahunan ng Biyaya. Matapos niyang mabuhay muli, hinayaan ni Hesus na makita ng mga tao ang katotohanang ito ng mas malinaw, na kahit na ang nagkatawang-taong Hesukristo ay ipinako, nagawa pa rin Niyang malagpasan ang kasalanan at kamatayan, tinalo Niya si Satanas, at tinapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos at nagkamit ng kaluwalhatian. Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang bagong panahon, inilabas ng tuluyan ang sangkatuhan mula sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan at matatag na inilagay sila sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya’t pinayagan Niya ang mga ito upang tanggapin ang patnubay, pagpapastol at pagtutubig ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa ganitong paraan, kahit na nabuhay muli si Hesus at tumaas sa kalangitan, at hindi na siya kumain, sumunod o namuhay kasama ng tao, mananalangin at tatawagin pa rin ng tao ang pangalan ni Hesus, pananatilihin ang Kanyang mga aral, susunod kay Hesus nang may pananampalatayang hindi masisira at ipapakalat ang ebanghelyo ng Panginoon. Sa partikular, pagkatapos na muling mabuhay ang Panginoong Hesus at nagpakita sa mga disipulo na sumunod sa Kanya, ang kanilang pananampalataya ay naging mahusay, at pagdating sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoon o pagpapatotoo doon, wala silang kinatatakutan na paghihirap o panganib, matigas ang kanilang pagpupursigi at inilaan lahat sa pagpapakalat ng ebanghelyo, kahit pa ang mamatay para sa Panginoon. Sa huli, ang ebanghelyo ni Jesus ay pinalawak sa buong sansinukob at sa buong mundo, at ang mga tagasunod ng Panginoong Hesus ay nagpatuloy sa paglago ang bilang hanggang sa ang lahat sa bawa’t kabahayan ay narinig na ang Kanyang ebanghelyo at nalaman na iyon ng lahat.

Matapos Niyang magbalik mula sa kamatayan, nagpakita ang Panginoong Hesus sa tao, nakipag-ugnayan Siya sa kanila at nakipag-usap sa kanila, ipinaliwanag Niya ang Kasulatan at nakipag-usap sa kanila, at kumain Siya sa tabi nila, at iba pa. Pinahintulutan ng mga gawaing ito ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus na maramdaman ang Kanyang pag-aalaga at pag-aalala para sa tao at magpatibay na si Hesus ay tunay na Diyos mismo, ang Kristong nagkatawang-tao, at ang mga gawaing ito ay matatag na itinayo ang mga taga-sunod ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Idagdag pa, ang gawain ng pagtubos ni Hesus ay nagsimulang kumalat mula noon hanggang sa marating nito ang buong sansinukob at lahat sa buong mundo. Kaya’t maliwanag na ang kahulugan sa likod ng muling pagkabuhay ni Hesus at ang Kanyang pagpapakita sa sangkatauhan ay napakalalim na, hindi lamang ang maingat na pag-aalaga ng Diyos at kaisipan ang nakatago sa mga gawaing ito, ngunit ang karunungan at kalinawan ng Diyos ay nakatago din sa kanila!

Mga minamahal na kapatid, magpasalamat tayo sa paliwanag at paggabay na nakapagbigay-daan sa atin upang maunawaan ang kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesus, at sa pagpapahintulot sa atin na makita sa loob ng Kanyang gawain muli ang pag-aalaga at pagmamalasakit ng Diyos para sa ating sangkatauhan. Salamat sa Diyos!

_____________________________________________________

Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.