Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?
Sagot:
Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos. Tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28).