菜單

Ene 10, 2020

Tagalog Worship Songs | Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol



Tagalog Worship Songs | Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol


Diyos ko, nagtiis man ako ng maraming pagsubok,
at muntik na akong mamatay,
nakilala na Kita nang lubusan,
at nakamit ko na ang kataas-taasang kaligtasan.
Kung Iyong paghatol at disiplina,
kung hindi Mo ako kinastigo,
ako nga ay mamumuhay sa karimlan,
mapapasailalim ako ni Satanas.
Diyos ko! Pakiusap.
Wag kunin pinakamalalaki kong kaaliwan;
ilang salita lang nito ay mainam na.
Dahil natamasa ko na ang pag-ibig Mo,
at mula sa'Yo, 'di ako mawawalay,
pa'nong 'di Kita mamahalin nang tuluyan?

Ene 8, 2020

Tagalog Christian Songs | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian



Tagalog Christian Songs | Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian

I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos
aakayin sa Panahon ng Kaharian
at tatanggap ng Kanyang gabay.

Ene 5, 2020

Tagalog Christian Songs | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao



Tagalog Christian Songs | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao



I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay.
Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak.
Lahat ng ating salita't gawa,
ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.

Ene 1, 2020

Tagalog Christian Songs | Ang Banal na Katawang Espirituwal ng Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita


Tagalog Christian Songs | Ang Banal na Katawang Espirituwal ng Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita

 I
Makapangyarihang D'yos
naibunyag mal'walhati N'yang katawan sa publiko.
Banal N'yang katawan nagpakita;
S'ya ay Diyos Mismo: Diyos na lubusang totoo.
Mundo'y nagbagong lahat, gayundin ang katawang-tao.
S'ya'y nagbagong-anyo upang maging Persona ng D'yos,
may ginintuang korona sa ulo,
puting balabal sa katawan N'ya,
ginintuang sinturon sa dibdib N'ya.
Lahat ng bagay sa mundo'y tuntungan N'ya,
parang liyab ng apoy ang mga mata N'ya,
magkabilang-talim na tabak tangay N'ya,
pitong bit'win sa kanang kamay N'ya.
Daan ng kaharia'y walang-hanggana't maliwanag,
l'walhati ng D'yos tumataas, sumisikat.
Mga bundok nagsasaya't katubiga'y nagbubunyi;
araw, b'wan, mga bit'win lahat umiikot,
nakapilang maayos sa tanging totoong Diyos,
na tumupad sa anim-na-libong-taong planong pamamahala,
at nagbabalik ng matagumpay!

Dis 31, 2019

Tagalog praise and worship songs | Ang Anak ng Tao'y Nagpakita Na





Tagalog praise and worship songs | Ang Anak ng Tao'y Nagpakita Na


Lumilitaw ang liwanag sa Silangan,
liwanag abot hanggang sa Kanluran.
Ang Anak ng tao'y nakababa na sa lupa.
Nagbalik na ang Mesias bilang
Makapangyarihang Diyos.
Naghahayag ng katotohanan,
bagong panaho'y nasimulan.
S'ya ay nagpakita. (Gan'un ba?)
Narito na! (Woh!)
Dala ang daan ng walang hanggang buhay. 

Dis 30, 2019

Tagalog Christian Song 2019 | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"



Tagalog Christian Song 2019 | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"

I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya 
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang 
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

Dis 29, 2019

Tagalog Christian Songs | "Tularan ang Panginoong Jesus"


Tagalog Christian Songs | "Tularan ang Panginoong Jesus"

I
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.
Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos
at tatalikuran n'yo ang laman,
pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin
para mapaglingkuran n'yo S'ya.