菜單

Dis 29, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) Ikatlong Bahagi


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil sa ang Diyos ay walang kasamaan ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng masamang disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na kasamaan, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal.

Dis 28, 2018

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan.

Dis 27, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”



Tagalog Christian Songs Salita ng Diyos

Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos


I
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.
Ikaw ba'y may normal na espirituwal na buhay
at tamang relasyon sa Diyos?
Sinusundan mo ba ang daloy ng Banal na Espiritu?
Nakalabas ka na ba mula sa kalagayang walang pag-unlad?
Silang naniniwala sa mga salita ng Diyos,
na ginagawang batayan ang gawain ng Diyos
at sinusundan ang liwanag ng Espiritu ngayon,
sila ang mga nasa daloy ng Banal na Espiritu.

Dis 26, 2018

Awit Ng Mga Mananagumpay



Tagalog Christian Songs Salita ng Diyos

Awit Ng Mga Mananagumpay

I
Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo.
Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.
Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos
at namumuhay kasama ng Kanyang bayan.
Ang tunay na nagmamahal sa Diyos,
sila'y kahanga-hangang pinagpapala!
Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos.
Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian.
Mapalad ang kumikilala sa Diyos.

Dis 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos"


Tagalog Worship Songs Salita ng Diyos
Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos

I
Paghahayag ng Diyos ng poot N'ya'y nangangahulugan
na titigil sa pag-iral lahat ng masasamang puwersa;
nangangahulugan 'to
na lahat na kumakalabang puwersa'y mawawasak.
Pagkakaiba 'to ng matuwid na disposisyon ng Diyos,
at pagkakaiba 'to ng poot ng Diyos.
Kapag hinahamon ang karangalan at kabanalan ng Diyos,
pag makatarungang puwersa'y nahahadlangan,
'di nakikita ng tao,
ipadadala ng Diyos poot N'ya sa panahong ito.

Dis 24, 2018

Christian Variety Show | Isang Planong "Mangisda" (Crosstalk) True Story Behind Christians' Release


Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means


Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon.

Dis 23, 2018

Panahon ng Paghihiwalay



Tagalog Christian Songs|
Panahon ng Paghihiwalay


 I
Nagkakasama tayo, ngunit kailangang maghiwalay.
Kung kelan ulit magkikita, hindi natin alam.
Huwag mong isiping wala kang kasama,
umawit nang buong galak.
Mahina't sinusupil, ipagdasal natin ang isa't isa.
Ang pagsaksi sa Diyos sa lupain ng malaking pulang dragon,
nanganganib tayong mahuli anumang oras.
Sa bawat araw, sa pagtupad mo ng tungkulin,
laging humanga't umasa sa Diyos.
Ga'no man kahirap ang daan,
lagi tayong sinasamahan ng Diyos.