Tagalog Christian Song | "Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao"
Ⅰ
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.
Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
pinakamahalaga ang dalawang ito,
ang dalawang yugtong ito,
gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang-tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.
Ⅱ
Katiwalian ng tao'y hadlang
sa gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao.
Kapaligira'y napopoot,
kalidad ng tao'y napakababa.
Gawain ng mga huling araw,
napakahirap.
Ngunit wastong resulta'y makakamit
sa katapusan ng gawain.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.
Ⅲ
Gawain ng Diyos, maganda ang epekto.
Walang kapintasan, makakamtan ito.
Gawain sa katawang-tao, ito ang epekto,
mas nakakakumbinsi
kaysa gawain ng Espiritu.
Tatlong yugto ng gawain, wawakasan na,
tatapusin ng Diyos sa katawang-tao.
Tatlong yugto ng gawain,
dapat nang wakasan
ng Diyos na nagkakatawang-tao mismo.
Pinakamahalaga sa gawain Niya
ay ginagawa sa katawang-tao.
Pagliligtas ng Diyos sa tao
dapat magawa sa katawang-tao.
Pakiramdam man ng tao
Diyos sa katawang-tao'y 'di kaugnay,
itong katawang tao'y totoong hinggil
sa kapalara't buhay ng tao,
dahil pinakamahalaga ang ginagawa N'ya.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa:Tagalog worship songs