Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV)
Ikaapat na Bahagi
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
Sumapit tayo sa pagtatapos ng paksang "Ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay," gayundin ang sa "Ang Diyos ang Natatanging Diyos Mismo." Sa paggawa nito, kailangan nating gumawa ng buod.
Anong uri ng buod? Yaong tungkol sa Diyos Mismo. Yamang ito ay tungkol sa Diyos Mismo, kung gayon dapat itong nakaugnay sa bawat aspeto ng Diyos, gayundin sa paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos. At kaya, kailangan Ko muna kayong tanungin: Sa pagkarinig sa pagtuturo, sino ang Diyos sa mata ng inyong isipan? (Ang Lumikha.) Ang Diyos sa mata ng inyong isipan ay ang Lumikha. Mayroon pa bang iba? Ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng mga bagay; Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng mga bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng mga bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang kalagayan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng mga bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng mga bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na mundo—ay maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng mga bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng mga bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng mga bagay; kaya Niyang ibaba ang Sarili Niya sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, humarap nang malapitan sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, talimahin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasa-ayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang matuwid na disposisyon, ang Kanyang diwa, at ang mga pamamaraan kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng mga bagay ay natatangi; ang Kanyang pagiging natatangi ang nagpapasiya sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang nagpapasiya sa Kanyang kalagayan. At kaya, sa gitna ng lahat ng mga nilikha, kung ang sinumang buhay na nilalang sa espirituwal na mundo o sa gitna ng sangkatauhan ang magnais na tumayo sa lugar ng Diyos, magiging imposible ito, na animo’y pagtatangka na magpanggap na Diyos. Ito ang katotohanan. Ano ang mga kinakailangan ng sangkatauhan sa isang Lumikha at Namamahala na kagaya nito, na taglay ang pagkakakilanlan, ang kapangyarihan, at ang kalagayan ng Diyos Mismo? Ito ay dapat nang maliwanag sa inyong lahat na narito ngayong araw, at dapat matandaan ninyo, at ito ay parehong napakahalaga para sa Diyos at sa tao!
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
Kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos ang magpapasya ng kanilang kapalaran, at nagpapasya kung paano kikilos at makikitungo ang Diyos sa kanila. Sa puntong ito magbibigay Ako ng ilang halimbawa sa kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos. Pakinggan natin ang isang bagay kung ang kanilang mga pag-uugali at mga saloobin na kanilang ikinikilos tungo sa Diyos ay tama o mali. Tingnan natin ang pag-uugali ng sumusunod na pitong uri ng tao:
a. Mayroong isang uri ng tao na ang saloobin sa Diyos ay talagang kakatwa. Iniisip nila na ang Diyos ay kagaya ng isang Bodhisattva o banal na nilalang na mayroong tradisyonal na kaalaman ng tao, at hinihingi sa mga tao na yumuko ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita at magsisindi ng insenso pagkatapos nilang kumain. At kaya kung, sa kanilang mga puso, sila ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos para sa Kanyang biyaya, at kumikilala ng utang na loob sa Diyos, madalas silang magkaroon ng gayong simbuyo. Pinakananais nila na ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan sa araw na ito ay magagawang, kagaya ng banal na nilalang na kanilang hinahangad sa kanilang mga puso, tanggapin ang pag-uugali tungo sa Kanya kung saan yuyuko sila ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita, at magsisindi ng insenso pagkakain.
b. Ang ilang tao ay nakikita ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang alisin ang lahat nang nabubuhay mula sa pagdurusa, at nililigtas sila; nakikita nila ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang agawin sila mula sa dagat ng kapighatian. Ang pananampalataya ng mga taong ito sa Diyos ay ang pagsamba sa Diyos bilang isang Buddha. Bagamat hindi sila nagsisindi ng insenso, kowtow, o nagbibigay ng mga handog, sa kanilang mga puso ang kanilang Diyos ay gaya lamang ng isang Buddha, at hinihiling lamang na sila ay mabait at mapagkawang-gawa, na hindi sila pumapatay ng buhay na nilalang, hindi sumumpa sa iba, namumuhay ng isang buhay na nagpapakita ng katapatan, at hindi gumagawa ng masama—ang mga bagay na ito lamang. Ito ang Diyos sa kanilang mga puso.
c. Sinasamba ng ilang tao ang Diyos bilang isang dakila o bantog. Halimbawa, kahit sa anumang mga paraan naising magsalita ng dakilang taong ito, sa anumang tono siya magsasalita, anong mga salita o bokabularyo ang kanyang ginagamit, ang kanyang tono, ang pagkumpas ng kanyang mga kamay, ang kanyang mga opinyon at mga pagkilos, ang kanyang pakikitungo—ginagaya nila ang lahat ng iyon, at ito ang mga bagay na dapat nilang lubos na mahinuha sa landas ng kanilang paniniwala sa Diyos.
d. Nakikita ng ilang tao ang Diyos bilang isang hari, nararamdaman nila na siya ay nasa ibabaw ng lahat, at walang sinuman ang mangangahas na galitin Siya—at kung ito ay gagawin nila, sila ay parurusahan. Sinasamba nila ang haring iyon sapagkat ang mga hari ay mayroong tiyak na lugar sa kanilang mga puso. Ang mga kaisipan, pag-uugali, awtoridad at kalikasan ng mga hari—maging ang kanilang mga kinahihiligan at personal na buhay—lahat ay naging isang bagay na dapat maintindihan ng mga taong ito, mga isyu at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanila, at kaya sinasamba nila ang Diyos bilang isang hari. Ang gayong anyo ng pananampalataya ay katawa-tawa.
e. Ang ilan sa mga tao ay may partikular na pananampalataya sa pag-iral ng Diyos, isa na matindi at hindi natitinag. Sapagkat ang kaalaman nila tungkol sa Diyos ay napakababaw at wala silang gaanong karanasan sa mga salita ng Diyos, Siya ay sinasamba nila bilang isang idolo. Ang idolong ito ay ang Diyos sa kanilang mga puso, ito ay isang bagay na dapat nilang katakutan at yukuran, na dapat nilang sundin at gayahin. Nakikita nila ang Diyos bilang isang idolo, isa na dapat nilang sundin sa buong buhay nila. Ginagaya nila ang tono kung paano nagsasalita ang Diyos, at sa panlabas ginagaya nila yaong nagugustuhan ng Diyos. Madalas silang gumagawa ng mga bagay na lumilitaw na parang walang muwang, dalisay, at tapat, at sinusunod pa nila ang idolong ito bilang isang kasosyo o kasamahan na hindi nila mahihiwalayan kailanman. Ang gayon ay ang anyo ng kanilang paniniwala.
f. May ilang tao na, kahit nakabasa na ng marami sa mga salita ng Diyos at nakarinig na ng maraming pangangaral, nadarama nila sa kanilang mga puso na ang tanging panuntunan ng kanilang pag-uugali tungo sa Diyos ay ang palagi dapat silang mababa ang loob at masunurin, kung hindi dapat na parangalan ang Diyos at purihin Siya sa isang paraan na hindi makatotohanan. Naniniwala sila na ang Diyos ay isang Diyos na humihiling sa kanila na kumilos sa gayong paraan, at naniniwala sila na kapag hindi nila iyon ginawa, sa gayon anumang sandali maaari nilang mapukaw ang Kanyang galit o magkasala laban sa Kanya, at bilang resulta ng kanilang pagkakasala parurusahan sila ng Diyos. Ganyan ang Diyos sa kanilang mga puso.
g. At naririyan ang karamihan sa mga tao, na nakasusumpong ng pagkaing espirituwal sa Diyos. Sapagkat sila ay nabubuhay sa mundong ito, sila ay walang kapayapaan at kaligayahan, at saan man ay di sila makahanap ng kaginhawahan. Pagkatapos nilang mahanap ang Diyos, nang kanilang makita at marinig ang Kanyang mga salita, sa kanilang mga puso ay lihim silang nagagalak at tuwang-tuwa. At bakit nagkaganoon? Naniniwala sila na sa wakas ay nakahanap din sila ng isang lugar na makapagdadala sa kanila ng kagalakan, na sa wakas ay nakahanap sila ng isang Diyos na makapagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal. Iyon ay dahil, matapos nilang tanggapin ang Diyos at nagsimulang sundin Siya, sila ay naging masaya, ang kanilang mga buhay ay natupad, hindi na sila katulad ng mga hindi sumasampalataya, na kampante lamang sa kanilang buhay gaya ng mga hayop, at nadarama nila na mayroon pa silang tatanawing kinabukasan sa kanilang buhay. Kaya, iniisip nila na ang Diyos na ito ay maaaring mapasiya ang kanilang mga espirituwal na pangangailangan at makapagdadala ng malaking kaligayahan sa isip at espiritu. Hindi nila namamalayan, hindi nila magawang iwanan ang Diyos na ito na nagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal, na nagbibigay ng kagalakan sa kanilang espiritu at sa buong sambahayan. Naniniwala sila na ang paniniwala sa Diyos ay wala ng gagawin maliban sa magbigay sa kanila ng pagkaing espirituwal.
Ang mga saloobin ba sa Diyos nitong iba’t ibang uri ng taong ito ay umiiral sa gitna ninyo? (Umiiral sila.) Kung, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, sa puso ng isang tao ay naglalaman ng anuman sa mga saloobing ito, magagawa ba nilang tunay na makarating sa harap ng Diyos? Kung ang sinuman ay magtaglay ng alinman sa mga saloobing ito sa kanilang puso, naniniwala ba sila sa Diyos? Naniniwala ba sila sa natatanging Diyos Mismo? Yamang hindi ka naniniwala sa natatanging Diyos Mismo, sino ang iyong pinaniniwalaan? Kung ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang natatanging Diyos Mismo, maaring mangyari na naniniwala ka isang idolo, o isang dakilang tao, o isang Bodhisattva, na ikaw ay sumasamba sa Buddha sa iyong puso. Higit pa rito, maaaring mangyari na naniniwala ka sa isang karaniwang tao. Sa kabuuan, dahil sa iba’t-ibang mga anyo ng paniniwala at mga saloobin ng mga tao tungo sa Diyos, inilalagay ng mga tao ang Diyos ng kanilang sariling palagay sa kanilang mga puso, iginigiit nila ang kanilang kathang-isip sa Diyos, inilagay nila ang kanilang mga saloobin at mga kathang-isip tungkol sa Diyos na nasa tabi ng natatanging Diyos Mismo, at pagkatapos ay itinataas nila ang mga ito upang purihin. Ano ang nangangahulugan kapag ang mga tao ay may gayong hindi angkop na mga saloobin tungo sa Diyos? Nangangahulugan ito na itinakwil nila ang tunay na Diyos Mismo at sinasamba ang isang huwad na Diyos, at nangangahulugan ito na kasabay ng kanilang paniniwala sa Diyos, itinatakwil nila ang Diyos, at sinasalungat Siya, at na itinatanggi nila ang pag-iral ng tunay na Diyos. Kapag ang mga tao ay nanatiling humawak sa gayong mga anyo ng paniniwala, ano ang magiging kahihinatnan para sa kanila? Sa gayong mga anyo ng paniniwala, nagagawa ba nilang mas mapalapit kailanman sa pagtupad ng mga kinakailangan ng Diyos? Sa halip, dahil sa kanilang mga pagkaintindi at mga kathang-isip, ang mga tao ay lalong mapapalayo kailanman sa daan ng Diyos, sapagkat ang landas na kanilang hinahanap ay kasalungat ng landas na kinakailangan sa kanila ng Diyos. Narinig Na ba ninyo ang kuwento “papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga”? Maaaring ito ay ang isang kaso ng papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos sa isang kakatwang paraan, kung gayon lalo kang magsisikap nang mabuti, mas lalo kang malalayo mula sa Diyos. At kaya ipinapayo ko ito sa inyo: Bago kayo magpatuloy, dapat mo munang maunawaan kung ikaw ay papunta sa tamang landas. Maging asintado ka sa iyong mga pagsisikap, at tiyaking tanungin ang iyong sarili “Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay ang Namumuno sa lahat ng mga bagay? Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay basta na lang yaong nagbibigay sa akin ng pagkaing espirituwal? Siya ba ang aking idolo? Ano ang hinihingi sa akin nitong Diyos na aking pinaniniwalaan? Sinasang-ayunan ba ng Diyos ang lahat ng aking ginagawa? Ang lahat ba ng aking ginagawa at hinahangad ay sa pagsisikap kong makilala ang Diyos? Ito ba ay batay sa mga kinakailangan ng Diyos sa akin? Ang landas ba na aking tinatahak ay kinikilala at sinang-ayunan ng Diyos? Ang Diyos ba ay nasisiyahan sa aking pananampalataya?” Dapat madalas at paulit-ulit mong tanungin ang iyong sarili tungkol sa mga tanong na ito. Kung nais mong hangarin ang kaalaman sa Diyos, kung gayon ay dapat kang magkaroon ng malinaw na kamalayan at malinaw na mga layunin bago mo palugurin ang Diyos.
Ito ba ay posibleng, bilang isang resulta ng Kanyang pagpaparaya, tatanggapin ng Diyos na labag sa kalooban ang mga hindi wastong mga pag-uugali na ito na kasasabi ko pa lamang? Pupurihin kaya ng Diyos ang ganitong mga pag-uugali ng mga tao? Ano ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa kanila na sumusunod sa Kanya? Malinaw na ba sa inyo kung ano ang pag-uugali na kinakailangan Niya sa mga tao? Sa araw na ito, napakarami Ko nang nasabi, napakarami na ng Aking nasabi tungkol sa paksang Diyos Mismo, gayundin ang tungkol sa mga gawa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ngayon nalalaman na ba ninyo kung ano ang ninanais ng Diyos na makamit mula sa mga tao? Nalalaman mo ba kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos mula sa iyo? Magsalita kayo. Kung ang inyong kaalaman mula sa mga karanasan at pagsasagawa ay nananatiling kulang o masyadong mababaw, makapagsasabi kayo ng ilang bagay tungkol sa inyong kaalaman ukol sa mga salitang ito. Mayroon ba kayong buod na kaalaman? Ano ang hinihingi ng Diyos sa tao? (Katapatan, pagkamasunurin.) Ano pa, maliban sa katapatan at pagkamasunurin? Ang ibang mga kapatid ay maaari ring magsalita. (Sa panahon ng ilang pakikipag-isa na ito, ang Diyos ay gumawa ng isang punto ng pangangailangan na kilalanin natin ang Diyos, kilalanin ang Kanyang mga gawa, kilalanin na Siya ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, at hiniling na kilalanin natin ang Kanyang kalagayan at pagkakakilanlan, at kilalanin ang ating tungkulin bilang mga nilikha ng Diyos. Malinaw ang Kanyang mga salita sa kung ano ang dapat nating paglaanan sa ating mga pagsisikap, ano ang Kanyang mga kinakailangan sa atin, kung anong uri ng mga tao ang Kanyang nagugustuhan, at anong uri ang Kanyang kinasusuklaman.) At ano ang pangwakas na kalalabasan kapag hiniling ng Diyos sa mga tao na kilalanin Siya? (Nalalaman nila na ang Diyos ang Lumikha, at na ang mga tao ay mga nilikha.) Kapag nakamit nila ang gayong kaalaman, anong mga pagbabago ang mayroon sa saloobin ng mga tao tungo sa Diyos, sa kanilang pag-uugali at sa paraan ng pagsasagawa, o sa kanilang disposisyon sa buhay? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Maaari bang sabihin na, pagkatapos makilala ang Diyos, at maunawaan Siya, sila ay magiging isang mabuting tao? (Ang paniniwala sa Diyos ay hindi ang paghahangad na maging mabuting tao.) At kaya anong uri ng tao dapat silang maging? (Dapat silang maging karapat-dapat na nilikha ng Diyos.) (Dapat silang maging tapat.) Mayroon pa bang iba? (Sila dapat ay yaong nagpapasakop sa mga katugmaan ng Diyos, ang may kakayahan na sambahin at ibigin ang Diyos nang tunay.) (Dapat silang magtaglay ng isang konsensiya at katinuan, at nagagawang sundin ang Diyos nang tunay.) At ano pa? (Pagkatapos nang tunay at wastong pagkilala sa Diyos, nagagawa nating kumilos nang wasto tungo sa Diyos bilang Diyos, kikilalalnin natin magpakailanman na ang Diyos ay Diyos, na tayo ay mga nilalang, dapat nating sambahin ang Diyos, at mangunyapit sa ating kinatatayuan.) Magaling! Makinig tayo sa iba. (Ang mga pakikipag-isa ng Diyos ay nakatutulong sa atin upang makilala ang awtoridad ng Diyos sa pamamahala sa lahat ng mga bagay, nagiging daan ang mga ito upang ating kilalanin na Siya ang Namumuno sa lahat ng mga bagay, upang makapagpasakop tayo sa mga kapaligiran na isinasaayos ng Diyos para sa atin kada araw, at nagagawang tunay na magpasakop sa tungkulin na ibinigay ng Diyos sa atin.) (Kilala natin ang Diyos, at sa dakong huli nagagawa nating mga tao na totoong tumatalima sa Diyos, gumagalang sa Diyos, at lumalayo sa kasamaan.) Tama iyon!
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya
Sa katunayan, ang Diyos ay hindi masyadong mapagkailangan sa tao—o basta, hindi Siya mapagkailangan kagaya ng iniisip ng mga tao. Kung wala ang mga pagbigkas ng Diyos, o anumang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon, mga gawa, o mga salita, kung gayon ang pagkilala sa Diyos ay magiging napakahirap para sa inyo, sapagkat kailangan pang mahiwatigan ng mga tao ang intensyon at kalooban ng Diyos, na napakahirap para sa kanila. Ngunit tungkol sa huling yugto ng Kanyang gawain, nagsalita na ang Diyos nang napakaraming mga salita, nakapagsagawa ng napakalaking gawain, at gumawa ng napakaraming mga kinakailangan sa tao. Sa Kanyang mga salita, at sa Kanyang napakaraming gawain, naipaabot Niya sa mga tao ang Kanyang ninanais, Kanyang kinasusuklaman, at kung anong uri ng mga tao sila dapat maging. Pagkatapos maintindihan ang mga bagay na ito, ang mga tao ay dapat magkaroon ng wastong kahulugan ng mga kinakailangan ng Diyos sa kanilang mga puso, sapagkat hindi sila naniniwala sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw at hindi na sila maniniwala pa sa malabong Diyos, o sumusunod sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw, at kawalan; sa halip, naririnig ng mga tao ang mga pagbigkas ng Diyos, maiintindihan nila ang mga pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan, at makakamit ang mga ito, at ginagamit ng Diyos ang wika ng sangkatauhan upang sabihin sa mga tao ang lahat ng dapat nilang malaman at maintindihan. Sa araw na ito, kung wala pa ring alam ang mga tao sa mga kinakailangan ng Diyos sa kanila, kung ano ang Diyos, bakit sila naniniwala sa Diyos, at kung paano sila dapat maniwala sa Diyos at makitungo sa Kanya, kung gayon sa ganito mayroon isang suliranin. Ngayon pa lang ang bawat isa sa inyo ay nagsabi ng isang bahagi; may kamalayan kayo sa ilang bagay, maging ang mga bagay na ito ay sa partikular o sa pangkalahatan—ngunit nais kong sabihin sa inyo ang tama, ganap, at partikular na mga kinakailangan ng Diyos tungo sa sangkatauhan. Sila ay konting mga salita lamang, at napakapayak. Maaaring alam na ninyo ang mga salitang ito. Ang tamang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa mga sumusunod sa Kanya ay ang mga sumusunod. Ang Diyos ay nangangailangan ng limang bagay sa yaong sumusunod sa Kanya: tunay na pananampalataya, tunay na pagsunod, lubos na pagtalima, tunay na kaalaman, at taos-pusong paggalang.
Sa limang mga bagay na ito, kinakailangan ng Diyos sa mga tao na huwag na Siyang kwestyunin, huwag na rin Siyang sundin gamit ang kanilang kathang-isip o malabo at hindi malinaw na mga pananaw; hindi nila dapat sundin ang Diyos sa pamamagitan ng anumang mga kathang-isip o mga pagkaintindi. Kinakailangan ng Diyos na ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay gawin iyon nang may katapatan, hindi nag-aalinlangan o pag-iwas. Kapag ang Diyos ay gumagawa ng anumang mga kinakailangan sa iyo, o sinusubukan ka, hinahatulan ka, nakikitungo at pupungusin ka, o dinidisiplina at sinasaktan ka, dapat kang lubos na maging masunurin sa Kanya. Hindi mo dapat itanong ang kadahilanan, o gumawa ng mga kondisyon, lalong hindi dapat magsalita ng katuwiran. Ang iyong pagsunod ay dapat maging lubos. Ang pagkilala sa Diyos ay ang bahagi kung saan ang mga tao ay nagkukulang nang husto. Madalas nilang igiit ang mga kasabihan ng Diyos, mga pagbigkas, at mga salitang walang kaugnayan sa Kanya, sa paniniwala na ang mga salitang ito ay ang mga pinakawastong kahulugan ng kaalaman sa Diyos. Hindi nila nalalaman na ang mga kasabihang ito, na galing sa mga kathang-isip ng mga tao, kanilang sariling pangangatwiran, at kanilang sariling talino, wala ni katiting na kaugnayan sa diwa ng Diyos. At kaya, nais Kong sabihin sa inyo na, sa kaalaman sa mga taong ninais ng Diyos, hindi lamang basta hinihiling ng Diyos na makilala mo ang Diyos at ang Kanyang mga salita, kundi na ang iyong kaalaman sa Diyos ay tama. Kahit makapagsabi ka lamang ng isang pangungusap, o may konting kamalayan lamang, ang maliit na kamalayang ito ay tama at totoo, at angkop sa diwa ng Diyos Mismo. Sapagkat kinamumuhian ng Diyos ang parangal at pagpupuri sa Kanya ng mga tao na hindi makatotohanan at hindi pinag-isipan. Higit pa roon, kinasusuklaman Niya ito kapag itinuturing Siya ng mga tao na kagaya ng hangin. Kinasusuklaman Niya ito kapag, sa panahon ng talakayan ng mga paksa tungkol sa Diyos, ang mga tao ay nagsasalita nang walang galang, nagsasalita na lamang basta at walang pag-aatubili, nagsasalita anumang oras gustuhin; mangyari pa, kinasusuklaman Niya yaong mga naniniwala na kilala nila ang Diyos, at mga hambog tungkol sa kaalaman sa Diyos, tinatalakay ang mga paksa tungkol sa Diyos nang walang pagtitimpi o pangingimi. Ang huli sa limang kahilingan na iyon ay taos-pusong paggalang. Ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Kapag taglay ng isang tao ang tama at tunay na kaalaman sa Diyos, nagagawa nilang totoong igalang ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang paggalang na ito ay nanggagaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at ito ay kusa, at hindi dahil pinilit sila ng Diyos. Hindi hiniling ng Diyos na gumawa ka ng isang handog ng anumang mabuting saloobin, o pag-uugali, o panlabas na saloobin sa Kanya; sa halip, Kanyang hinihiling na igalang Siya at katakutan Siya mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ang paggalang na ito ay nakakamit bilang resulta ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay, sapagkat mayroon kang kaalaman sa Diyos, sapagkat mayroon kang pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos, dahil sa iyong pagkaunawa sa diwa ng Diyos at sapagkat iyong nakilala ang katotohanan na isa ka sa mga nilikha ng Diyos. At kaya, ang Aking layunin sa paggamit ng salitang “taos-puso” upang ipakahulugan ang paggalang dito ay upang maintindihan ng sangkatauhan na ang paggalang sa Diyos ng mga tao ay dapat manggaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Ngayon isalang-alang yaong limang mga kinakailangan: Mayroon ba sa inyo ang may kakayahang makamit ang unang tatlo? Sa kung saan pinakahulugan Ko ang tunay na pananampalataya, tapat na pagsunod, at lubos na pagtalima. Mayroon ba sa inyo ang may kakayahan sa mga bagay na ito? Alam Ko na kapag sinabi kong lima, kung gayon walang kaduda-duda isa man sa inyo ay wala—ngunit ibinaba Ko ito sa tatlo. Pag-isipan ninyo kung nakamtan na ninyo ang mga ito o hindi. Ang “tunay na pananampalataya” ba ay madaling makamtan? (Hindi, ito ay hindi.) Hindi ito madali, para sa mga taong madalas kwestyunin ang Diyos. Ang “tapat na pagsunod” ba ay madaling makamit? (Hindi, ito ay hindi.) Ano ang tinutukoy nitong “tapat”? (Hindi nang pabantulot kundi nang buong puso.) Oo, hindi pabantulot, kundi nang buong puso. Nakuha ninyo nang tama! Kaya may kakayahan ba kayong makamit ang hinihiling nito? Kailangang magsikap pa kayo nang mabuti—sa kasalukuyan hindi pa ninyo nakamit ang hinihiling na ito! Tungkol naman sa “ganap na pagsunod”—nakamit na ba ninyo iyon? (Hindi.) Hindi pa rin ninyo nakakamit iyon. Palagi kayong suwail, at mapanghimagsik, madalas kayong hindi nakikinig, o nagnanais sumunod, o nais makarinig. Ito ang tatlo sa mga pinakapangunahing kinakailangan na nakakamit ng mga tao kasunod nang kanilang pagpasok sa buhay, at ang mga ito ay hindi pa nakakamit sa inyo. Kaya, sa kasalukuyan, mayroon ba kayong malaking kakayahan? Sa araw na ito, sa pagkarinig ninyong sinasabi ko ang mga salitang ito, nakadarama ba kayo ng pangamba? (Oo!) Tama lamang na makadama kayo ng pangamba—Nakadadama Ako ng pangamba para sa inyo! Hindi na Ako pupunta sa dalawang mga kinakailangan; walang duda, walang sinuman ang may kakayahan na makamit ang mga ito. Nangangamba kayo. Kaya napagpasiyahan na ba ninyo ang inyong mga layunin? Anong mga layunin, tungo sa anong direksyon, ang dapat ninyong tahakin, at paglaanan ng inyong mga pagsisikap? Mayroon ba kayong layunin? (Oo.) Ano ang inyong layunin? Sabihin ninyo sa Akin. (Upang itaguyod ang katotohanan, upang itaguyod ang kaalaman sa Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, at upang sa huli ay makamit ang paggalang at pagsunod tungo sa Diyos.) Hayaan ninyo Akong magsalita nang malinaw: Kapag nakamit na ninyo ang limang pangangailangan na ito, mapalulugod ninyo ang Diyos. Ang bawat isa sa kanila ay isang panukat, isang panukat sa pagpasok ng mga tao sa buhay sa pagkakaabot sa ganap na gulang, at ang pangwakas na layunin nito. Kahit pumili lang Ako ng isa sa mga kinakailangang ito upang talakayin nang buo at hilingin sa inyo, hindi ito magiging madaling makamit; dapat matiis ng mga tao ang isang antas ng paghihirap at maglaan ng naturang dami ng pagsisikap. At anong uri ng kaisipan ang dapat ninyong taglayin? Dapat itong kagaya ng isang pasyente na may kanser na naghihintay na isalang sa mesang pang-opera. At bakit Ko sinasabi ito? Kung nais mong maniwala sa Diyos, at nais makamit ang Diyos at makamit ang Kanyang kasiyahan, at sa gayon ay kung hindi ka magtitiis ng isang antas ng sakit o maglaan ng naturang dami ng pagsisikap, hindi mo makakamit ang mga bagay na ito. Nakapakinig kayo ng napakaraming pangangaral, ngunit sa pagkarinig nito hindi ito nangangahulugan na ang pangangaral ay sa inyo; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pagmamay-ari mo, dapat mong maisangkap ito sa iyong buhay, at dalhin ito sa iyong pag-iral, hayaan ang mga salitang ito at pangangaral na patnubayan kung paano ka mamuhay, at magdala ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay—at sa gayon magiging pakinabang ang marinig mo ang mga salitang ito. Kung ang mga salitang Aking sinabi ay hindi magdadala ng anumang pagbabago sa iyong buhay, o anumang kabuluhan sa iyong pag-iral, kung gayon walang saysay para sa iyo ang pakinggan ang mga ito. Naiintindihan ba ninyo ito, oo? Sa pagkaintinding gayon, kung gayon ang natitira ay kayo na ang bahala. Kailangan na ninyong gumawa! Dapat kayong maging masigasig sa lahat ng mga bagay! Huwag magpatumpik-tumpik—mabilis ang paglipad ng oras! Karamihan sa inyo ay nanampalataya na nang mahigit sampung taon. Lumingon kayo sa mahigit sampung taong ito ng pananampalataya: Gaano na karami ang inyong nakamit? At ilang dekada pa ang natitira sa inyo sa buhay na ito? Hindi ganoon kahaba iyon; anuman ang iyong gawin, huwag mong sasabihin na sa Kanyang gawain ay maghihintay ang Diyos para sa iyo, at nagtatabi ng mga pagkakataon para sa iyo. Ang Diyos ay tiyak na hindi babalik at gagawin ang kaparehong gawain. Maibabalik mo ba ang iyong huling sampung taon? Sa bawat araw na nagdaraan at sa bawat ginagawa mong paghakbang, ang mga araw na mayroon ka ay umiigsi ng isang araw, nababawasan ng isang araw, oo? Hindi maghihintay ang oras sa kaninumang tao! Magkakamit ka lamang mula sa pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo ito na pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga kaysa sa pagkain, kasuotan, o sa anupaman! Kung ikaw ay maniniwala lamang kapag may panahon ka, at walang kakayahan na gugulin mo ang iyong kabuuang pansin sa iyong pananampalataya, kung ikaw ay palaging nasasapatan, at nagpapatumpik-tumpik, kung gayon ay wala kang makakamit. Naiintindihan ba ninyo ito, oo? Magtatapos tayo dito sa araw na ito! Kita tayo uli sa susunod! (Salamat sa Diyos!)

Pebrero 15, 2014