Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?
Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon.
Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao, at tinutuligsa Siya ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, na sinasabing ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay wala sa Biblia, at na maling paniniwala ang mga iyon. Talaga bang maling paniniwala ang mga salita at gawain ng Diyos na wala sa Biblia? Kung gayon, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoong Jesus? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa Biblia, o ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan?