Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)
Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan.
Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang Diyos, at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.