Purihin ang Bagong Buhay
Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo!
Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos!
I
Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao.
Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay.
Salita ng D’yos sa’ki’y bumago,
kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!)
Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!)
Kaybuting maunawaan ang katotohanan.
Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!)
Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago.
Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay;
Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!)
D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya.
Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.
II
Mga kapatiran, sama-sama, walang mga balakid o distansiya.
Tulung-tulong, sa iglesya’y naglilingkod, isang puso’t isip, umaawit na masaya.
Ang awitan ay punô ng pag-ibig sa D’yos. Tayo’y umaawit nang buong-puso.
Ang praktikal na Dyos ay pinabago at binago tayo,
pinabago at binago tayo tungo sa isang bagong tao.
Sinong ‘di naghahayag ng paggiliw sa kanyang puso?
Sinong ‘di naghahayag ng pag-ibig sa kanyang puso?
Sumayaw ka upang purihin ang D’yos, ako’y papalakpak.
Pasanin ng mundo, pamilya’t laman, nadáíg natin;
nagmamahalan tayo, kaytamis!
Dating buhay kailanman ay‘di na babalik, at isang gintong panahon ay darating!
Gintong panahon ay darating!
III
Kaysarap gawin ang tungkuli’t magpatotoo;
sama-sama sa katotohanan, napalaya at malayà.
Bayan ng D’yos lasap bagong buhay;
ang maningning na pantaong buhay ay kumakaway sa akin. (O)
Kaysarap gawin ang tungkuli’t magpatotoo;
sama-sama sa katotohanan, napalaya at malayà.
Bayan ng D’yos lasap bagong buhay;
ang maningning na pantaong buhay ay kumakaway sa akin.
Sasambahin ko ang D’yos na praktikal magpakailanman!
Aleluya!
mula sa Sundan ang Kordero at Umawit ng Bagong mga Awit