菜單

Hun 7, 2018

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" (Buong pelikula)


Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan.  Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.
Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. ...
Noong panahong nagdurusa si Wenya at wala nang matakbuhan, dalawang kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tumestigo kay Wenya, sa kanyang ina at kapatid sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Naunawaan nila ang ugat ng paghihirap sa buhay ng mga tao mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naunawaan na matatamo lamang ng mga tao ang proteksyon ng Diyos at mabubuhay nang maligaya kapag sila ay humarap sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng kaginhawahan mula sa mga salita ng Diyos nagawa ng ina at dalawang magkapatid na makalaya mula sa kanilang pagdurusa at kawalan ng pag-asa. Tunay na naranasan ni Wenya ang pagmamahal at pagkamaawain ng Diyos; sa wakas naramdaman niya ang init ng isang tahanan, at nagkaroon ng totoong tahanan. …

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan