菜單

Hun 18, 2020

Patotoo ng Pananampalataya: Ang Patotoo ng isang Anim-na-Taong Gulang na Batang Babae na Nabuhay Muli

Ang anim-na-taong gulang na apo ng may-akda ay biglang dinapuan ng encephalitis. Matapos ipasok sa ospital at mabigyan ng lunas sa loob ng 13 araw, nagbigay ng abiso ang doctor na mamamatay ang bata, at sinabing: “Wala na kaming magagawa pa para sa kanya.” Nang malapit nang mamatay ang apong babae ng may-akda, umasa siya sa kanyang pananampalataya sa Diyos at sa kanyang pagkamasunurin sa Diyos, at pagkatapos ay nasaksihan niya ang mga gawa ng Diyos, at ang batang babae ay nagbalik mula sa bingit ng kamatayan! Nais mo bang maintindihan ang mga gawa ng Diyos? Nais mo bang malaman kung paano maranasan ang mga paghihirap kapag nakaharap mo ang mga ito? Kung ganoon ay basahin mo ang karanasan ng may-akda.

Hun 17, 2020

Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao



 I

Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.

Hun 16, 2020

Habang Daan Kasama Mo" | God’s Love Is With Me


I
Ako’y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa’Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni’t bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma’y sinasaktan Iyong puso.
Nguni’t ‘di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa ‘king kaligtasan.
Pag ako’y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo’y itinatago,
kadilima’y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa ‘Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas,
hinihilom Mo aking sugat, puso’y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.

Hun 15, 2020

Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia



Tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa mga huling araw, sabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon di naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ano ang tagong kahulugan ng "ang Anak ng tao ay darating" at "gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan" tulad ng binanggit sa mga talatang ito? Kung nagbabalik ang Panginoon sakay ng mga ulap, para "magbata ng maraming bagay" at "itakuwil ng lahing ito," paano ito nararapat unawain?

————————————————————————

Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang natutupad na. Nais mo bang malaman kung paano sila natutupad? Maaari mong basahin ang artikulo.

Hun 14, 2020

Isang Puso-sa-Puso sa Diyos

I

O Diyos! Napakarami sa puso ko ang nais kong sabihin sa ‘Yo.
Dati akong namuhay sa kasalanan,
hindi alam kung paano mamuhay nang makabuluhan.
Sa gitna ng mga uso ng mundo,
ako’y nahulog sa gilid ng daan at namuhay na parang hayop.
Ginamit Mo ang Iyong mga salita upang buksan ang pintuan
tungo sa aking puso at ako’y bumalik sa Iyo.
Ang mga salita Mo’y katotohanan
na tumutustos sa aking puso tulad ng bukal na tubig.
Sa Iyong mga salita’y nabubuhay ako sa Iyong presensya,
at ang aking puso ay nasa kaginhawahan,
mapayapa at nagagalak.
Sa pamamagitan ng pagkaranas ng Iyong mga salita,
naiintindihan ko ang katotohanan,
at sinusunod ko ang tamang landas sa buhay.
Ngayon ko lamang nalaman na ang paniniwala,
pagsunod at pagmamahal sa Diyos ang pinakamakabuluhan.

Hun 13, 2020

Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

————————————————————————

Ano ang rapture? Paano tayo mara-rapture bago ang mga kalamidad? Mangyaring basahin ang mga artikulo sa Tagalog tungkol sa rapture at makikita mo ang paraan ng pag-rapture at makatagpo ang Panginoon.

Hun 12, 2020

Lumabas Sa Biblia" - Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?



Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao, at tinutuligsa Siya ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, na sinasabing ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay wala sa Biblia, at na maling paniniwala ang mga iyon. Talaga bang maling paniniwala ang mga salita at gawain ng Diyos na wala sa Biblia? Kung gayon, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoong Jesus? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa Biblia, o ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan?

————————————————————————
Alam mo ba kung paano ang pagbabasa ng Bibliya upang makakamit ng higit na kaliwanagan at gabay ng Diyos? Ang 3 pangunahing punto na ito ay magiging malaking tulong. Basahin na ngayon.——Paano ang Pagbabasa ng Bibliya: 3 Pangunahing Punto