菜單

Dis 23, 2018

Panahon ng Paghihiwalay



Tagalog Christian Songs|
Panahon ng Paghihiwalay


 I
Nagkakasama tayo, ngunit kailangang maghiwalay.
Kung kelan ulit magkikita, hindi natin alam.
Huwag mong isiping wala kang kasama,
umawit nang buong galak.
Mahina't sinusupil, ipagdasal natin ang isa't isa.
Ang pagsaksi sa Diyos sa lupain ng malaking pulang dragon,
nanganganib tayong mahuli anumang oras.
Sa bawat araw, sa pagtupad mo ng tungkulin,
laging humanga't umasa sa Diyos.
Ga'no man kahirap ang daan,
lagi tayong sinasamahan ng Diyos.

Dis 22, 2018

Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)



Christian Crosstalk | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)


Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag.

Dis 21, 2018

Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian


https://tl.godfootsteps.org/wp-content/grand-media/audio/God-perfects-man-by-words-2.m4a

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita
sa Kapanahunan ng Kaharian



I
Sa panahong ito, matutupad ng Diyos sa inyo:
na lahat isinasagawa ang katotohanan N'ya,
na ang lahat ay isasabuhay ang Kanyang salita
at iibigin Siya sa kanilang mga puso.
Ang salita ng Diyos ay ang pundasyon ng kanilang buhay.
Lahat sila ay may mga pusong natatakot sa Diyos.
Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos,
sila'y mamumuno at maghahari kasama ng Diyos.
Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.

Dis 20, 2018

"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?


Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit?  Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?  Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!

Dis 19, 2018

New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.

Dis 18, 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians


Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP.Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya. Matapos maranasan ang pagtugis sa kanya, pag-aresto at pag-uusig, malinaw na nakita Han Mei ang masamang diwa ng paglaban sa Diyos at maging kaaway ng Diyos, kaya lalo siyang naging determinado na sundan ang Diyos hanggang wakas, kahit ano pa ang maging katumbas.

Dis 17, 2018

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"



Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.
Ako'y isang mapanghimagsik na tao,
paano ko malalaman ang Iyong puso,
makita ang Iyong pagmamahal?
Ang Iyong pag-ibig ay totoong tunay,
malaki ang utang na loob ko sa'Yo.
Palaging kasama kita kapag ako'y kinastigo.
Sumasakit ang Iyong puso sa pag-ibig kapag ako'y nadalisay.
Kapag ako'y nalulungkot, Ikaw ay naroroon.
Pagkukulang ko'y binibigay Mo.
Hinaharap ko ang Iyong pag-ibig, nais ng puso kong mabasag.
Ang pag-ibig Mo'y tinunaw ang matigas kong puso,
at ngayon ako'y nagkakaroon na ng pagbabago ng puso.
II
Para kanino Ka nagiging tao at labis na napahiya?
Tinitiis Mo ang pagtanggi ng tao,
ngunit hindi Ka kailanman nagreklamo
sa kapanglawan ng buhay sa tao.
Ikaw ay nanggaling sa langit
ngunit walang lugar na mapahingaan ng Iyong ulo.
Hindi mo kailanman kinagagalak
ang mga makamundong kasiyahan.
Tahimik Mong ipinahahayag ang katotohanan,
upang iligtas ang tao at makuha ang kanilang mga puso.
Palaging kasama kita kapag ako'y kinastigo.
Sumasakit ang Iyong puso sa pag-ibig kapag ako'y nadalisay.
Kapag ako'y nalulungkot, Ikaw ay naroroon.
Pagkukulang ko'y binibigay Mo.
Hinaharap ko ang Iyong pag-ibig, nais ng puso kong mabasag.
Ang Pag-ibig Mo'y tinunaw ang matigas kong puso, 
at ngayon ako'y nagkakaroon na ng pagbabago ng puso.
III
Paano ako makakapaghintay, patuloy na mag-antala?
Iingatan ko ang Iyong kalooban, suklian ang Iyong pag-ibig.
Tatanggapin ko ang pagdadalisay, titiisin ang sakit
at maging patotoo upang masiyahan Ka.
Ginising Mo ang puso ko upang magmahal
at mabuhay para sa'Yo.
Hahanapin ko ang katotohanan, mamuhay ayon sa Iyong salita.
Nais kong mahalin Ka at sundin Ka,
at magpapatotoo para sa Iyo magpakailanman.
Palaging kasama kita kapag ako'y kinastigo.
Sumasakit ang Iyong puso sa pag-ibig kapag ako'y nadalisay.
Kapag ako'y nalulungkot, Ikaw ay naroroon.
Pagkukulang ko'y binibigay Mo.
Hinaharap ko ang Iyong pag-ibig, nais ng puso kong mabasag.
Ang Pag-ibig Mo'y tinunaw ang matigas kong puso, 
at ngayon ako'y nagkakaroon na ng pagbabago ng puso,
at ngayon ako'y nagkakaroon na ng pagbabago ng puso.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin