Christian Crosstalk | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)
Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag.
"Paggising Mula sa Panaginip" (Clips 1/4) Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?
Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit? Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala? Ang pelikulang ito ng “Paggising Mula sa Panaginip”, ay magbubunyag sa mga misteryo ng pagdadala para sa ‘yo!
New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee
Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob.
Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians
Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP.Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya. Matapos maranasan ang pagtugis sa kanya, pag-aresto at pag-uusig, malinaw na nakita Han Mei ang masamang diwa ng paglaban sa Diyos at maging kaaway ng Diyos, kaya lalo siyang naging determinado na sundan ang Diyos hanggang wakas, kahit ano pa ang maging katumbas.
Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Sa oras na iyon, ang gawain sa ebanghelyo sa lugar na iyon ay bumaba ng kaunti, at karaniwang hindi maganda ang sitwasyon ng mga kapatiran. Ngunit dahil ako’y hinipo ng Banal na Espiritu, ginawa ko pa rin ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala nang may buong kumpiyansa. Matapos tanggapin ang pagkakatiwala, naramdaman ko na puno ako ng resposibilidad, puno ng pagliliwanag, at para bang nagkaroon ako ng paninindigan. Naniwala ako na kaya ko at matutupad ko nang mabuti ang gawaing ito. Sa katunayan, iyong oras na iyon wala akong kaalaman o ano pa man sa gawain ng Banal na Espiritu o sa aking kalikasan. Lubos akong namumuhay sa pagkasiya sa sarili at paghanga sa sarili.
Habang ako’y nasa tugatog ng pagmamalaki sa sarili, nakilala ko ang isang kapatiran sa isang kumupkop na pamilya na nakatoka sa gawain. Tinanong niya ako tungkol sa sitwasyon ng aking gawain, at isa-isa kong sinagot ang kanyang mga katanungan habang nag-iisip: Tiyak na hahangaan niya ang aking mga abilidad sa gawain at ang aking mga natatanging kaalaman. Ngunit hindi ko inakala na matapos niyang makinig sa aking mga sagot, hindi lang siya hindi tumango sa paghanga, sinabi pa niya na kulang ang aking ginagawa, na ang tauhang iyon ay hindi talaga nagagamit nang maayos, na wala akong natamong anumang resulta, at iba pa. Habang minamasdan ang kanyang hindi kuntentong pagpapahayag at pakikinig sa kanyang pagtatasa sa aking gawain, biglang nanlamig ang aking puso. Sa isip ko: “Sabi niya kulang daw ang aking trabaho? Kung wala akong natamong anumang resulta, ano pa ang dapat kong gawin dito para masabing nakakuha ako ng mga resulta? Buti nga hindi ko tinanggihan ang bulok na trabahong ito at pumayag na tanggapin ito, at gayun pa man nasabi pa niya na hindi mahusay ang trabahong ginawa ko.” Hindi ko lubos matanggap sa aking puso at sobrang sama ang pakiramdam ko na halos tumulo na ang mga luha. Iyong matigas ang ulo, hindi kuntento at mga mapanlabang bagay sa loob ko ay biglang lumabas: Ito lang ang kayang makamit ng kalibre ko; ginawa ko naman ang aking makakaya, kaya kung hindi ako sapat, humanap na lang sila ng iba.... Sobrang hindi kumportable ang pakiramdam ng aking puso at natalo ako, hindi sigurado kung ano ang gagawin dito, at kaya wala na akong narinig na salitang sinabi niya matapos iyon. Sa mga ilang araw, iyong sitwasyon ko mula sa tugatog ng pagmamalaki sa sarili hanggang sa pakiramdam na nalulumbay at nasisiraan na loob, mula sa pagiging tuwang-tuwa sa aking sarili hanggang sa pagkakaroon ng tiyan na puno ng mga karaingan. Nilamon ako ng pakiramdam ng pagkatalo. ... Sa gitna ng kadiliman, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Hinangad ni Pedro na ipamuhay ang imahe ng isang tao na mahal ang Diyos, para maging isang tao na sumunod sa Diyos, para maging isang tao na tinanggap ang pakikitungo at pagpupungos ...” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Paano naman ako? Ang ginawa lang ng tao ay punahin ako ng kaunti, sinabing ang aking trabaho ay hindi sapat, at ako’y nadismaya na at gusto nang magbitiw sa aking trabaho. Ito ba ang taong handang tumanggap ng pakikitungo at pagpupungos? Ito ba ang taong nais mahalin ang Diyos na tulad ni Pedro? Hindi ba kung ano ang aking inihayag ay siyang ayaw ng Diyos? Hindi gustong masabi ng iba na hindi sapat ang ginawa ko at gusto lang makatanggap ng papuri at pagkilala ng iba—hindi ba ito ang pangunahing layunin? Sa sandaling iyon, nagkaroon ako ng sinag ng liwanag sa aking puso, kaya binuksan ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at nakita ang naturang talata: “Marahil ay pinakamahusay para sa inyo ang italaga ang mas malawak na pagsisikap sa katotohanan na kilalanin ang sarili. Bakit hindi kayo kinalulugdan ng Diyos? Bakit ang inyong disposisyon ay kasuklam-suklam sa Kanya? Bakit ang inyong mga salita ay nakapandidiri sa Kanya? Pinupuri ninyo ang inyong sarili para sa inyong maliit na katapatan at gusto ng gantimpala para sa inyong maliit na sakripisyo; minamaliit ninyo ang iba kapag nagpapakita kayo ng kaunting pagsunod, nagiging mapanlait sa Diyos kapag nakagawa ng maliit na bagay. ... Ang katauhan katulad ng sa inyo ay talagang napakasakit na pag-usapan o pakinggan. Ano ang kapuri-puri sa inyong mga salita at mga pagkilos? ... Nakatatawa ba ito para sa inyo? Tiyak na alam ninyong naniniwala kayo sa Diyos, ngunit hindi kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Tiyak na alam ninyong kayo ay hindi karapat-dapat, ngunit nananatili pa rin kayong mayabang. Hindi ba ninyo nararamdaman na ang inyong katinuan ay naging ganon sa puntong wala na kayong kontrol sa sarili? Paano kayo magiging karapat-dapat iugnay sa Diyos nang may ganoong katinuan? Ngayon, hindi ba kayo natatakot para sa inyong mga sarili? Ang inyong disposisyon ay naging gayon ngayon na hindi na kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Paano ka makikitungo sa iyong hinaharap? Paano mo pipiliin ang landas na lalakbayin?” (“Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Diretso ang mga salita ng Diyos sa aking diwa tulad ng isang matalas na espada, hindi ako nakapagsalita. Lubos akong nahiya at napuno ng kahihiyan. Nawalang parang usok sa manipis na hangin ang aking mga dahilan at ang aking panlalaban sa loob. Sa sandaling iyon, naranasan ko ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos sa kaibuturan ng aking puso. Sa pamamagitan ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos, Sa wakas ay nakilala ko ang aking sarili: Sa katuparan ng aking mga tungkulin, hindi ako patuloy na nagsusumikap para sa pagkaperpekto na makamit ang pinakamagandang resulta para masiyahan ang Diyos, ngunit sa halip ay nakuntento sa kasalukuyang kalagayan at pakiramdam ay lubos na nasiyahan sa aking sarili. Sinabi ng Diyos, “Sa harapan ng Diyos, laging sanggol ang tao.” Subalit, hindi ko lang nabigong makita na ang sarili kong sitwasyon ay tatanggihan ng Diyos, nasaktan pa ako nang pinuna ako ng isang tao. Talagang ignorante pa ako at hindi makatwiran! Lagi akong naghahanap ng papuri sa paggawa ng maliliit na bagay, at sa oras na hindi ito matanggap, nawawala lahat ng enerhiya ko; galit akong nagmamaktol kapag inuusisa ang aking mga gawa sa halip na pinapahalagahan. Sa sandaling iyon, nakita ko ang mukha ko ng pagkukunwari. Nakita ko na may kasamang mga pangangailangan at transaksiyon at puno ng karumihan ang katuparan ng aking tungkulin. Hindi ito para mabigyang kasiyahan ang Diyos o suklian ang Kanyang pag-ibig, ngunit para sa mga lihim na motibo.
Dati, nang nakita ko na isiniwalat ng salita ng Diyos ang kababawan ng pagkatao ng tao, hindi naman ito nagningning sa aking puso at pinaghinalaan ko na ang salita ng Diyos ay may kalabisan. Naipakita ito sa pamamagitan lamang ng Diyos na nagkaroon ako ng paggising: Para maisakatuparan ang tungkulin ko ngayon ay malaking pagdakila sa Diyos at sa Kanyang dakilang pag-ibig. Subalit hindi ko ito minahal o iningatan ito, at sa halip ipinagpatuloy ko ang mga bagay na walang halaga at walang kahulugan—pinupuri ng tao, ipinagdiriwang ng tao, pinapansin ng tao, at para magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao. Anong kahulugan mayroon ang mga bagay na ito? Sinabi ng Diyos na hindi lang nabubuhay ang tao sa pagkain, ngunit sa mga salita din na ipinahayag sa pamamagitan ni Cristo. Ngunit saan ba nakadepende ang aking buhay? Nabuhay ako na nakadepende sa ugali ng tao tungo sa akin at kung paano nila ako nakikita, at madalas akong nag-aalala tungkol sa mga personal na pakinabang at pagkawala dahil sa mga naturang bagay. Ilang mga salita ng pagkilala o papuri o ilang mga salita ng kaginhawaan o konsiderasyon ay nagpaparami sa aking enerhiya; ang ilang mga salita ng kritisismo o pagpapakita ng masamang mukha ay sumisira sa aking kalooban at nawawalan ng kapangyarihan at direksiyon sa aking mga hangarin. Kung gayon bakit ako lubos na naniniwala sa Diyos? Maaari bang ito ay dahil lang sa pagtanggap ng mga tao? Tulad ng ibinunyag ng mga salita ng Diyos, hindi ang katotohanan ang aking pinapahalagahan, hindi ang mga prinsipyo ng pagiging tao, at hindi ang napakatiyagang gawain ng Diyos, ngunit kung ano ang mahal ng aking laman, mga bagay na walang kapaki-pakinabang sa aking buhay. Maaari bang ang kagustuhan ng iba tungo sa akin ay nagpapatunay na pinupuri ako ng Diyos? Kung hindi ako babagay sa Diyos, hindi ba’t ang mga hinahangad ko ay wala pa ring kabuluhan? Salamat sa Diyos sa pagbibigay kalinawagan sa akin! Mula sa aking sariling pagbubunyag, naisip ko ang pagkatao ni Cristo, kung paano dumating si Cristo para gumawa sa lupa para iligtas ang sangkatauhan. Ngunit ano ang ugali ng sangkatauhan tungo sa Diyos? Siya ay banal at kagalang-galang, ang dakilang Diyos Mismo, ngunit sino ba talaga ang nagpapahalaga sa Diyos, sino ang nagbibigay lugar sa Kanya sa kanilang mga puso, at sino talaga ang nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos? Bukod sa rebeliyon at panlalaban, ang ipinapakita lang ng tao ay kalapastanganan at pagtanggi, subalit hindi kailanman nagpakita ng pagkabahala si Cristo sa sangkatauhan o itinuturing ang mga tao ayon sa kanilang mga kasalanan. Tahimik Niyang tinitiis ang kanilang pagkasira at pang-aapi, nang hindi pumapalag, ngunit mayroon bang kahit sino ang nagpahayag ng papuri mula sa kanilang mga puso dahil sa kababang-loob ni Cristo, sa Kanyang kabaitan o Kanyang pagkamapagkaloob? Sa kahambingan, mas lalo kong nakikita ang aking sariling kakitiran ng pag-iisip, kung paano ako nababahala sa mga bagay, kung paano ko gustong mapuri ng mga tao o mapahalagahan nila, at iba pang makasariling, kasuklam-suklam at kawalang hiyaang pagkilos. Kahit sa gayong mababang-loob na karakter, nakita ko pa rin ang aking sarili na sing halaga tulad ng isang ginto. Hindi kataka-taka na sinabi ng Diyos sa tao na ang diwa ng tao ay umabot na sa punto na napakahirap na para sa sangkatauhan na makontrol. Lubos na kinumbinsi ako ng mga salita ng Diyos. Sa oras na ito, isang uri ng pananabik at pagkakagiliw para kay Cristo—ang Panginoon ng lahat ng bagay—ay kusang nabuo sa kaibuturan ng aking puso. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagdarasal sa Diyos: “O Diyos! Walang katapusang nagpapaiingit sa akin ang Iyong disposisyon, diwa, at kabutihan. Sino ang maaaring ihambing sa Iyo? Kung ano ang Iyong ipinahayag at ibinunyag sa amin at lahat ng Iyong ipinakita sa amin at pagbubunyag ng Iyong kagandahan, Iyong kabanalan, Iyong pagkamatuwid at kadakilaan. O Diyos! Binuksan mo ang aking puso at nagpahiya sa aking sarili, na nagpayuko sa aking mukha sa lupa. Alam na alam mo ang aking pagmamalaki, ang aking kayabangan. Kung hindi dahil sa Iyong kahanga-hangang pagsasaayos at kaayusan, kung hindi sa kapatid na Iyong ipinadala para pakitunguhan ako, maaaring matagal ko nang nakalimutan kung sino ako. Ninanakaw ang Iyong kaluwalhatian subalit nagmamalaki pa sa aking sarili—ako talaga’y walang hiya! O Diyos! Salamat sa Iyong mga pagbubunyag at pag-iingat, nagawa kong malinaw na makita ang aking tunay na sarili at natuklasan ang Iyong kagandahan. O Diyos! Ayaw ko nang maging negatibo, at ayaw ko nang mamuhay sa mga mabababaw na bagay. Ang tangi kong hiling ay, sa pamamagitan ng Iyong pagkastigo at paghatol, ng Iyong hagupit at disiplina, para makilala Ka, para makita Ka, at higit sa lahat sa pamamagitan ng Iyong pakikitungo at pagpupungos para matupad ko ang aking tungkulin para masuklian Kita!”